Posts Tagged ‘filipino movie’
my monster mom, comedy movie
sabihin nyo nang baduy ako… corny… mababaw. pero kahit ano pang panglalait ang tanggapin ko, sasabihin ko pa rin ang totoo:
natawa ako sa My Monster Mom na yan! vanity movie man o hindi.
hindi marunong mag-akting si anabelle pero nakakatawa ang mga hirit niya. at si rufa, kahit di na siya mag-akting, ok lang… dahil obvious na exasperated naman siya talaga sa mommy niya in real life.
at grabe. lahat ng sinusuot niya, gusto kong hanapin sa malls para maging akin din.
isang hirit:
“ay, namatay sa disney? pinatay siya ni mickey mouse?” – esme (anabelle’s character), upon learning of her brother’s death in america






